advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, gumawa ng kanta para sa anak


May napili nang pangalan ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang baby girl.
 
Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing alam na ng ilang avid fans nina Dingdong at Marian ang pangalan ng kanilang baby girl.



Nagbigay ng baby shower kay Marian ang naturang mga avid fans na mapalad na naunang nakaalam ng full name ni Little Marian.

Isasapubliko daw ng Kapuso Royal Couple ang pangalan ng kanilang baby girl sa takdang panahon.
 
Ayon pa kay Marian, may isinulat din siyang kanta para sa kanyang baby girl.

Masaya rin niyang ibinahagi na nagre-react ang kaniyang baby sa sinapupunan kapag kinakausap ito ni Dingdong.

Happy preggy and proud mommy din si Marian kaya game sa siyang nag-pose sa photo shoot habang nagbabakasyon sila ni Dingdong sa Palawan.

Thankful si Marian na healthy ang kanyang ipinagbubuntis at hindi raw talaga niya mapigilan ang mamili ng gamit para sa kanilang baby. -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT