ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Super kilig din sa 'AlDub' love team

Carla Abellana, todo suporta kay Tom Rodriguez


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa pagiging gym buddies, tila life buddies na rin sina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil sa kanilang closeness.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabing kitang-kita na ang malaking ipinayat ni Carla sa suot nitong sleeveless evening dress nang dumalo sa birthday celebration ng Regal producer na si Mother Lily Monteverde.



Natutuwa ang Kapuso actress na napapansin na ang pagkabawas ng kaniyang timbang.

"I go to the gym siguro mga three times a week tapos may trainer ako na tinututukan ako and then diet," lahad niya.

Si Tom daw ang lagi niyang kasama sa gym at natutuwa siya dahil nagsusuportahan silang dalawa sa ano mang ginagawa nila.

May paliwanag din si Carla tungkol sa biglang pag-iyak ni Tom nang makapanayam ito sa press conference para sa bagong GMA primetime soap na "Marimar."

Naiintindihan daw ni Carla ang nararamdaman ni Tom kapag nagkukuwento ito sa mga hirap na pinagdaanan ng aktor bago nito narating ang kasalukuyan estado ng kaniyang career.

Kasama rin umano sa dalang emosyon ng aktor ang pagiging malayo nito sa pamilya na nasa ibang bansa.

"Lagi kong sinasabi sa kanya na kahit wala dito yung family mo sa bansa, ang dami namang nagmamahal at sumusuporta sa'yo," ani Carla.

Masaya rin inamin ni Carla na kabilang siya sa mga nahuhumaling sa phenomenal loveteam na "Aldub" ni Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza.

Anang aktres, hindi niya pinapalampas ang kalyeserye ng Eat Bulaga kahit maipit sa trapik.

"It's something that I look forward to everyday kasi aminin na natin napakakilig naman talaga ni Alden saka ni Yaya Dub," masaya niyang pahayag. -- FRJ, GMA News