ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lola Nidora's word of wisdom : 'Ang pag-ibig ay nararamdaman, hindi binibili'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kahit lumabas na naman ang pagiging kontrabida ni Lola Nidora sa kalyeserye ng Eat Bulaga, inayunan naman ng mga manonood at netizen ang pananaw niya tungkol sa pag-ibig na hindi dapat binibili.
 
Sa pagkakabulilyado ng kasal nina Frankie at Yaya Dub nitong Sabado, humingi ng paumanhin si Lola Nidora sa mayamang si Frankie.


 
Nabisto kasi na plinano lamang ni Lola Nidora na maikasal si Yaya Dub kay Frankie para makakuha ito ng P51.5 milyon na pangtubos sa ninakaw na diary na naglalaman ng sekreto tungkol kay Yaya Dub.
 
Inihayag ni Frankie na bagaman pumayag siya sa maikasal kay Yaya Dub para makuha ang kaniyang mana, inamin nito na nagustuhan na talaga niya si Yaya Dub.
 
Pero hirit ni Lola Nidora, hindi sapat ang yaman at pera pagdating sa pag-ibig.
 
"Sa tingin mo gusto ko ang kasalang ito?" sambit ni Lola Nidora sabay bagsak sa poster na nagsasaad ng Yakie wedding.
 
Nang gawin ito ni Lola Nidora, nagbunyi naman si Alden na nasa studio ng Eat Bulaga at hindi makapunta sa wedding venue dahil guwardiyado nina Rogelio.


 
Patuloy na litanya ni Lola Nidora:

"Hindi sapat ang yaman para ibigin ang isang tao.
Ang pag-ibig ay nararamdaman, hindi binibili,
ipinaglalaban, iniingatan at ipinagkakaloob
sa tamang panahon."
 
Umayon naman ang netizens sa naging pahayag na ito ni Lola Nidora pagdating sa pagbili ng pag-ibig.



-- FRJ, GMA News
Tags: aldub, lolanidora