ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pangalan ng anak isisiwalat ni Marian Rivera sa Setyembre
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Marami na ang nag-aabang sa pagsilang ng unang anak nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera mula nang ihayag nila ang pagbubuntis ng “Sunday Pinasaya!” star ngayong taon.
Kasabay ng third trimester ng Kapuso actress, excited na rin ang kaniyang mga kaibigan at tagahanga na malaman ang magiging pangalan ng kanilang baby girl, na binansagan nang “Little Maria” ng netizens.
Ayon kay Marian sa isang maikling panayam, ibabahagi niya ang buong pangalan ng kaniyang baby sa nalalapit niyang baby shower.
Magaganap umano ang baby shower na ito sa Setyembre.
“Basta ang sabi ko nga ang pangalan niya ay may Maria sa umpisa," ayon kay Marian sa video interview na nai-post ng 'The DongYanatics' sa Instagram nitong nakaraang linggo.
VIDEO: Ano ang pangalan ng baby ni #MarianRivera at #DingdongDantes? #Exclusive vid by yourstootie
A video posted by Team Dantes (@thedongyanatics) on
—Bianca Rose Dabu/ALG, GMA News
Tags: marianrivera
More Videos
Most Popular