ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
YOU BE THE JUDGE
Add GMA on Google
Megan Young at Yaya Dub, magkamukha nga ba?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kabilang si 2013 Miss World at “Marimar” star Megan Young sa mga nahu-hook sa tambalang AlDub ng “Kalyeserye” sa noontime show na Eat Bulaga.
Ayon kay Megan sa ulat ng Unang Hirit nitong Lunes, bukod sa pagtutok sa naturang segment ng programa, hindi niya rin daw maiwasan na mag-stalk sa social media accounts nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa totoong buhay.
Kwento ng Kapuso host and actress, “Nakakatuwa sila. Sobrang natutuwa ako and it brightens up my day when I see them. Nagso-stalk pa ako sa IG niya and sa IG ni Alden.”
Lalo pa raw ninais ni Megan na makita si Yaya Dub nang sabihin ng netizens na mayroon silang pagkakahawig matapos ang guesting niya sa Eat Bulaga nitong Sabado.
“Gusto ko siyang makilala, pero I think dapat makilala niya muna si Alden,” pahayag ng beauty queen.
Bukod kay Megan, certified AlDub fans rin ang ilang celebrities gaya na lamang ng pinakabagong gaganap na Sergio Santibañez na si Tom Rodriguez, at ang child star na si Jillian Ward. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular