ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Throwback photos ni Lola Nidora mula sa nawawalang diary


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
 
 
 
 
 
 
Bukod sa pagbibigay ng hamon sa Pambansang Bae na si Alden Richards upang mapatunayan nito ang pagmamahal para kay Yaya Dub, malaking problema rin para kay Lola Nidora ang banta ng paglabas ng laman ng kaniyang nawawalang diary.
 
Nitong linggo, nagsimula nang kumalat ang ilang larawan ni Lola kasama ang ilang historical figures.
 
Kabilang sa tila mga nakasama at naging kaibigan pa niya ang German leader ng Nazi Party na si Adolf Hitler, dating Pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo, at Silent Film comic artist Charlie Chaplin.
 
Mayroon ding throwback photos si Lola Nidora kasama si Lolo Francisco, ang lolo ni Frankie Arinoli.
 
Ang mga larawang ito, na bahagi umano ng mga natatagong alaala sa diary ni Lola Nidora, ay gawa ng mga fans ng AlDub.
 
Pati si Maine Mendoza, napabilib sa mga ito.
 
 
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News