ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WACKS AND PEACHY FOREVER
Add GMA on Google
Bobby Andrews at Angelu de Leon, nakaka-relate sa AlDub
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Gaya ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa 'Kalyeserye' ng noontime show na Eat Bulaga, aksidente lamang rin daw ang pagiging loveteam ng sikat na '90s pair na sina Bobby Andrews at Angelu de Leon.
Kwento ni Angelu sa 'The Ryzza Mae Show,' “Ang nakakatawa sa love team namin [ni Bobby], accidentally in love 'yung dating kasi hindi naman talaga kami 'yung dapat ipa-partner sa isa't isa. Kaya parang 'pag nakikita namin si AlDub, parang ganoon 'di ba, accidentally in love sila.”
“Hindi naman sinasadya pero sa tamang pagkakataon, nagkaroon sila ng chance na mahalin 'yung isa't isa,” dagdag pa niya.
Inamin rin ni Angelu na isa siya sa mga sumusubaybay sa love story ng AlDub, at masaya raw siya na hindi natuloy ang kasal ni Yaya Dub kay Frankie Arinolli nitong Sabado.
Nagkataon pang birthday ng aktres kaya magandang regalo raw ito sa kaniya.
“Happy ako noong Saturday. Birthday ko noon tapos pinapanood ko sila. Buti na lang, hindi natuloy 'yung kasal kaya masaya 'yung birthday ko," kwento ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, "Isa talaga ako sa mga nagpoprotesta. Mabait naman si Lola Nidora. Buti na lang, bumawi siya noong kasal."
Nagbabalik-telebisyon ngayon ang sikat na 90s loveteam nina Angelu at Bobby sa GMA Afternoon Prime series na “Buena Familia,” kung saan makakasama nila sina Kylie Padilla, Martin del Rosario, Julie Anne San Jose, Jake Vargas, Julian Trono, at marami pang iba. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular