Rufa Mae Quinto, ipinakita ang malaking pasa sa katawan
Nag-alala ang mga follower ni Rufa Mae Quinto sa kalagayan ng sexy comedienne matapos itong mag-post ng larawan sa kaniyang Instagram account na nagpapakita ng malaking pasa sa kaniyang katawan at video na umiiyak dahil sa sakit.
Sa larawan na ipinost ng Bubble Gang babe na si Rufa nitong Biyernes, makikita ang malaking pasa sa kaniyang katawan na nilagyan niya ng hashtag na hematoma at bloodclot.
Hindi sinabi ng aktres kung papaano niya ito nakuha pero may ilang comments na nagtatanong kung may kaugnayan ba ito sa pagpapa-lipo o breast enhancement.
Gayunman, nakasaad din sa larawan ang pasasalamat ni Rufa sa pagkakaligtas umano ng kaniyang buhay.
Ibinahagi umano niya ang larawan para makapagbigay ng inspirasyon at suporta sa ibang tao na nakararanas din ng matinding sakit.
Saad naturang post: "And I'm sharing this so I could be of help to people suffering and in pain. I will teach or atleast inspire and give support , advice , strength to people healed sickness , get ready physiologically and physically and spiritually emotionally ."
Nagpasalamat din siya sa mga taong nagmamalasakit at patuloy na sumusuporta sa kaniya.
Sa video naman na kaniya ring ipinost sa Instagram, makikita ang kaniyang pag-iyak na may caption na: “Yessssss! Booba Cries... kakayanin natin to guys!!! Super B .. Kahit masikip sa dibdib... #hematoma."
A video posted by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on
Inihayag naman ng mga follower ng aktres ang kanilang pag-aalala at pag-asam para sa kaniyang agad na paggaling.
Noong nakaraang taon, ibinalita ni Rufa Mae na "all natural" at "silicon free" na ang kaniyang dibdib.
Basahin: Ano ang nagtulak kay Rufa Mae para ipaalis ang silicon sa kaniyang dibdib?
-- FRJ, GMA News