ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gomez wins gold in fencing tournament


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasungkit ng batikang aktor na si Richard Gomez ang gintong medalya sa ginanap na kauna-unahang Asian Master's Fencing Championship nitong Sabado, August 28, sa PhilSports Complex sa Pasig City.
 
Pitong bansa ang lumahok sa naturang kompetisyon, at bukod kay Richard, na isang Epee fencer, nanalo rin ng gintong medalya ang Foil fencer na si Leny Reyes.
 
Kapwa miyembro ng Philippine Fencing Association sina Richard at Leny, at ito ang kanilang unang pagkakataon na lumahok sa paligsahang inorganisa ng Fencing Confederation of Asia.
 
 
Hindi naman nakalimutang magpasalamat ng aktor sa lahat ng sumuporta sa kaniya, kabilang na ang kaniyang asawa at Leyte Representative Lucy Torres-Gomez.
 
Aniya, "Winning the gold today at the Asian Master's Fencing Championship at the ULTRA. Thank you, Lord! Thank you for the support of my teammates and coach Benny. Thank you for the continous support of my lovely wife @lucytgomez #nawalaangpagodkoafterwinningthegold #7countriesparticipated"