ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

AiAi, Dingdong at iba pang GMA stars,  dadalo sa Kapuso Pinoy event sa New York


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bumiyahe na papuntang Amerika ang Comedy Queen AiAi Delas Alas para sa dadaluhang Kapuso Pinoy Event sa New York.

Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing makakasama ni AiAi sa US ang iba pang bigating GMA stars tulad nina Dingdong Dantes, Julie Ann San Jose, Christian Bautista, Betong Sumaya, at Rita Daniela.



Naunang bumiyahe si AiAi dahil pupunta pa siya sa graduation ng kaniyang anak na nag-aaral sa Amerika.

Sinabing ngayong Martes ng gabi susunod ang iba pang Kapuso artists.

Nagpasalamat si comedy queen AiAi dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kaniya na makapagpasaya ng mga Kapusong Pinoy na nasa New York. -- FRJ, GMA News