ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#CONGRATSBOSSING
Add GMA on Google
Vic Sotto confirms engagement to Pauleen Luna
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kinumpirma na ni Vic Sotto ang mga hinala ng netizens at tagasubaybay ng Eat Bulaga na engaged na sila ng nobyang si Pauleen Luna.
Sa Instagram post ni GMA News reporter Nelson Canlas nitong Miyerkules sinabi nito na: "Bossing Vic Sotto confirms he is already engaged to @pauleenluna Details later on #24oras @gmanews."
Bossing Vic Sotto confirms he is already engaged to @pauleenluna Details later on #24oras @gmanews
A photo posted by Nelson Canlas (@nelsoncanlas) on
Unang kumalat ang mga katanungan kung engaged na nga ba sina Pauleen at Vic nang may makapansin sa singsing ng actress at TV host sa Eat Bulaga nitong Martes.

Bukod dito, may post din si Pauleen sa kaniyang Instagram account na nagbigay ng hinala sa kaniyang mga follower na maaaring ikakasal na ang aktres.
“Thank you Lord for all the blessing!” ani Pauleen sa caption ng larawan na kuha sa Perpetual Adoration Chapel.
A photo posted by Beverly Vergel (@beverlyvergel) on
Maging ang kaniyang kaibigan na si Beverly Vergel ay may post din sa kaniyang Instagram account ng larawan ng tila engagement ring na may kasamang pagbati.
Marami sa followers ni Beverly ang nagtanong kung si Pauleen ba ang kaniyang tinutukoy.-- FRJ, GMA News
Tags: vicsotto, pauleenluna
More Videos
Most Popular