ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
STYLIST TO THE STARS

Maine Mendoza, magiging stylist na si Liz Uy?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tuloy-tuloy na ang pagsikat ng tinaguriang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub kasabay ng pagtangkilik ng mga tagahanga mula sa buong mundo sa kanilang tambalan ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga.
 
Tila makaka-level na nga ni Yaya Dub ang mga bigating artista ngayong makakatrabaho niya si Liz Uy, isa sa pinakasikat na celebrity stylist sa Pilipinas.
 
Ilan lamang sa mga naging client ni Liz sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Toni at Alex Gonzaga, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Kylie Padilla, Janine Gutierrez, Liza Soberano, Heart Evangelista, Kris Aquino, Luane Dy, at maging si Alden Richards.
 
Nitong Miyerkules, ipinasilip ng Stylized Studio by Liz Uy sa Instagram ang isang teaser video ni Maine para sa pagsasamahan nilang project.
 
“Hi to Stylized Studio followers. Excited na ako to work with you,” ayon kay Yaya Dub sa isang ala-Dubsmash na video.
 
 

WE ARE EXCITED! Abangan ang project na ito sa #TamangPanahon ???? @mainedcm #yayadub #aldub #stylizedstudio @eatbulaga1979

A video posted by StyLIZed Studio by Liz Uy (@stylizedstudio) on

 
Maging sila Lola Nidora ay tila magiging bahagi ng bagong proyektong ito.
 
 
Si Maine naman, nagpasalamat kay Liz.
 
 
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News