ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sagad sa buto

Mga mensahe ni Lola Nidora, ikinatuwa ng marami kahit nagpaiyak sa 'AlDub'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa gitna ng kilig sa unang pagkikita nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza,  tumulo naman ang mga luha sa sermon ni Wally "Lola Nidora" Bayola na labis nadismaya dahil sa nasirang pangako ng AlDub na hindi sila magtatagpo sa Eat Bulaga nitong Sabado.

Matapos ang performance ni Yaya Dub sa "Bulaga Pa More" kung saan nakalaban niya si Alden na naunang nagtanghal, hindi napigilan ng dalawa na hanapin ang isa't isa sa studio.

Halos dalawang buwan muna nang makilala ang AlDub, hindi pa nagkikita ang dalawa sakabila ng tagumpay ng kanilang love team.

At nitong Sabado, naganap na ang pinakahihintay na pagtatagpo nina Alden at Yaya Dub, na kaagad namang naputol nang lagyan si Lola Nidora ng harang na pader ang pagitan ng dalawa para hindi sila magkalapit.

Emosyunal na sinermonan ni Lola Nidora ang dalawa dahil sa ginawang pagsuway sa kaniya at hindi pagtupad sa kanilang pangako.

"Ang pagtupad ng pangako ay ang pagsunod nang totoo! Ang binitawang salita ay hindi ay hindi dapat isawalang-bahala," giit ni Lola Nidora.

Dahil sa ginawa ng dalawa, hindi na raw alam ni Lola Nidora kung papaano pa siya magtitiwala sa AlDub na parehong tumulo ang luha.

"Papaano pa ako magtitiwala sa inyo kung sa isang simpleng pangako ay hindi n'yo kayang matupad?," tanong niya.

Ipinunto rin niya ang usapin ng pagiging mapusok at pagpilit sa gustong gawin.

"Ganyan kayo, mapusok. Ang gusto n'yong masunod ay ang gusto nyo," ani Lola Nidora. "Kapag pinagbibigyan kayo, umaabuso kayo. Kapag pinigilan naman, nagrerkelamo. Ano bang gusto n'yo!?"

Bilin pa ni Lola Nidora, "Papuntala pa lang kayo,  pabalik na ako. Alam ko na ang puwedeng magyari sa inyo kapag naging mapusok kayo."

Iginiit din niya na hindi lang dapat puso ang pinaiiral at dapat gamitin din ang utak...para hindi mapanis.

"Kung puso lang ang paiiralin n'yo, walang mangyayari. Puwede namang gamitin ang puso; pero 'wag kalimutan ang isip,  ang utak , 'wag puro tibok ng puso."

Ang kabiguan na gamitin ang utak ang dahilan umano kaya "nasa huli ang pagsisisi."

Balang araw, umasa si Lola Nidora na mauunawa siya ng AlDub sa kaniyang paghihigpit.

"Aldub, mahalaga ang pagtitiwala. Hindi 'yan nababayaran ng salapi," dagdag pa ni Lola Nidora.
 
Bukod sa usapin ng kahalagahan ng pagsunod sa pangako, muli ring nagbigay ng paalala si Lola Nidora tungkol sa pag-ibig.

"Ang tunay na pag-ibig kahit hindi kayo magkapiling, nararamdan

"Ang tunay na pag-ibig kahit hindi nagkikita, pinapahalagahan at iniisip ang isa't isa

"Iniisip ang kabutihan at hinihintay ang tamang panahon," aniya.

Ang mga manonood at netizens, hindi lang humanga sa husay ng pag-arte ni Wally, kung hindi maging sa mga  mensaheng binitiwan ni Lola Nidora na tila akma sa maraming kabataan ngayon.



-- FRJ, GMA News

Tags: aldub, kalyeserye