ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Emotions run high in top-trending pilot episode of StarStruck


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
 
 
 
 
 
 
Naging kaabang-abang ang pilot episode ng Starstruck Season 6 ngayong Lunes lalo na't limang taon ang hinintay ng mga tagasubaybay ng naturang reality-based artista search upang matunghayan muli ang tagisan ng talento ng artista hopefuls.
 
Dahil sa dami ng mga nais tumutok sa Starstruck, naging ikalawang top trend ito sa Twitter, kasunod ng #ALDUBSaveMaine.
 
Kabilang sa mga mainit na tagpo sa kauna-unahang episode ng pinakabagong season ng Starstruck ang “The Door,” kung saan malalman ng artista hopefuls kung kabialng ba sila sa mga mapapalad na makakapasok sa Top 14.
 
Nakapasok sa Top 14 si Klea Pineda, Koreen Pineda, at Avery Paraiso, habang hindi naman pinalad sina Jefferlyn Serrano at Alicia Lacap.
 
Bukod sa 'Congratulations' at 'Thank you very much,' mayroon din isa pang hatol na ibinibigay sa mga kalahok sa The Door.
 
Natanggap ni Kevin Sagra ang mga katagang 'Results will be announced on the first live broadcast on September 11, 2015.'
 
 

Congratulations to Koreen Medina, Klea Pineda and Avery Paraiso! You may continue your #StarStruck journey!Abangan kung sino-sino pa ang makakapasok sa Top 14, bukas, 5:50 PM!

Posted by StarStruck GMA on Monday, September 7, 2015
 
Emotional exit
 
Isa sa mga tagpong umantig sa puso ng mga manonood ang pagiging emosyonal ni Jefferlyn matapos hindi makapasok sa Top 14 ng artista search.
 
Maraming tagasubaybay ang naapektuhan sa reaksyon ng dalaga, at hindi rin napigilan ng host at Starstruck Social Media Correspondent na si Kris Bernal ang maluha matapos niyang salubungin si Jefferlyn mula sa The Door.
 
“Ang hirap pala. Naaawa ako kasi gustong-gusto ko din mag-artista noon,” ayon kay Kris.
 
Sa kaniyang exit interview, sinabi ni Jefferlyn na ipagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral at hindi siya susuko sa pangarap na maging isang artista.
 
Aniya, “It doesn't mean na ito na ang end ng journey ko. Alam ko na may plano si Lord sa lahat ng nangyayari. Gusto ko lang ngayon na i-hug ang Mama ko. Gusto kong mag-sorry at mag-thank you.”
 

Bukod sa unti-unting pagpapakilala sa Top 14 ng Starstruck Season 6, ipinaalam na rin sa mga manonood na magkakaroon ng kani-kaniyang 'special power' ang miyembro ng Starstruck Council, o ang mga magiging hurado para sa kompetisyon.
 
Kabilang rito sina Starstruck Season 1 Ultimate Female Survivor Jennylyn Mercado, Entertainment Guru Joey de Leon, Asia's Songbird Regine Velasquez at 'Starstruck' host and Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. —JST, GMA News