ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBKapitLang
Add GMA on Google
Alden, bigong makita si Yaya Dub sa Broadway
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nananatiling bihag si Yaya Dub ng mga dumukot sa kaniya sa pagpapatuloy ng kalye-serye ng Eat Bulaga ngayong Miyerkules.
Pero nabuhay ang pag-asa ni Alden na makita siya matapos sabihin ng tumawag kay Lola Nidora na nasa Broadway lamang ang dalaga.
Kung saan-saang sulok ng venue ang pinuntahan ni Alden sa pag-asang makita at masagip niya ang kaniyang minamahal.
Pero nanatiling bigo si Alden na makita si Yaya at patuloy na nag-dalamhati.
Samantala, nakahanap naman ng paraan si Yaya na posibleng makatakas.
Nang lumabas sa pinto ang dalaga, sabay naman nag-freeze frame ang kalye-serye.
Makatakas na kaya si Yaya ngayong Huwebes, just in time for her weeksary with Alden? Magkita na kaya ulit sila? —JST, GMA News
More Videos
Most Popular