Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maine to finally join Alden in MMFF movie? Direk Joey Reyes drops hint


Tila nagpahiwatig na ang direktor ng Metro Manila Film Festival 2015 entry na “My Bebe Love” na si Jose Javier Reyes na madadagdagdagan ang star-studded cast ng pelikula.
 
Nitong Martes, nag-post ng magkasunod na Instagram photo ang batikang direktor kasama ang tinaguriang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
 
 

Hmmmm....

A photo posted by @direkjoey on

 
 

A photo posted by @direkjoey on

 
Wala namang sinabi ang direktor sa caption ng mga naturang posts, ngunit hindi mapigilan ng mga tagahanga ni Yaya Dub na umasang makakasama na siya sa MMFF movie na pagbibidahan ni Bossing Vic Sotto at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas.
 
Nauna nang kinumpirma ni Direk Joey na makakasama ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa “My Bebe Love.”
 
Aniya, “Definitely Alden is in. We’re still negotiating lamang doon sa [Yaya] Dub portion. Kasi hindi lamang itong pelikula nag-e-exist on its own eh, may TV show rin na kailangang pangalagaan si Yaya Dub.”
 
Magkakasama na nga ba sa isang pelikula ang AlDub? —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News