Celebs, politicians, personalities rave about historical biopic 'Heneral Luna'
Umani ng papuri mula sa mga manonood ang historical biopic ng isa sa mga kontrobersiyal na bayani ng bansa na si Antonio Luna, na namatay sa kamay ng mga kapwa rebolusyunaryong Filipino.
Isang linggo pa lang ipinalalabas sa mga sinehan ang pelikulang "Heneral Luna," ilang artista, pulitiko, at personalidad na ang nagpahayag ng paghanga sa obra ni ni Direk Jerrold Tarog.
Kabilang sa mga nagpahayag ng paghanga sa nabanggit na pelikula ang mga Kapuso star na sina Lovi Poe, Rhian Ramos, Carla Abellana, at Asia's Songbird Regine Velasquez.
Nagpahayag din ng kanilang paghanga sa pelikula ang television host na si Tim Yap, batikang direktor na si Jose Javier Reyes, at maging si Sen. Sonny Angara.
Tinatalakay sa "Heneral Luna" ang makulay na buhay at kabayanihan ni Luna na inilalarawan ng iba bilang kontrabida noong panahon ng rebolusyon.
Makikita rin sa pelikula ang masalimuot na katotohanan na sa gitna ng giyera laban sa mga Amerikano, hindi lamang mga banyaga ang kalaban ni Luna kung hindi maging ang mga kapwa-Pilipino--kabilang na si dating Pangulong Emilio Aguinaldo.
Ginampanan ng batikang aktor na si John Arcilla ang role ni Heneral Luna, kasama sina Mon Confiado, Epi Quizon, Archie Alemania, Joem Bascon, Nonie Buencamino, Leo Martinez, Ketchup Eusebio, Ronnie Lazaro, Aaron Villaflor, at marami pang iba.
I feel like watching Heneral Luna again today!! Tara guys nood tayo! Food for the brain, food for the heart and soul din! #Word ????
— Lovi Poe (@lovipoe) September 15, 2015 Just came from the premiere of #HeneralLuna. Amazing. Absolutely amazing. Please, everyone. Watch this movie.
— Rhian Ramos (@whianwamos) September 6, 2015 I learned about history and about myself.. a0t sana mamulat din mata nating lahat sa sakit natin as a country.. #HeneralLuna
— Rhian Ramos (@whianwamos) September 6, 2015 Must watch Heneral Luna. One of the best Filipino films I've ever seen. Best to see it on the big screen! https://t.co/1wMoRrVT8A
— Tim Yap (@officialTIMYAP) September 15, 2015 Celebrating the grandeur of Tarog's HENERAL LUNA as cinema: shattered by the truth in its statement about Filipinos & our leaders.
— Joey Javier Reyes (@DirekJoey) September 12, 2015 Congrats to my kababayan @johnarcilla n the other stars of #heneralluna!!!
— Sonny Angara (@sonnyangara) September 6, 2015A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on
A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on
-- FRJ, GMA News