ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maine Mendoza, nagpaalam na sa tatay niya para sa date nila ni Alden


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
First date ng AlDub ngayong Sabado.
 
Kaya naman si Maine Mendoza, nagpaalam na sa tatay niya!
 
Ipinost ni Yaya Dub sa kaniyang Twitter account ang palitan ng text nila ng kanilang ama ngayong Huwebes, ilang oras matapos pumayag si Lola Nidora na makipag-date na ang dalaga sa kalyeserye.
 
 
Ang tanong ng ama ni Maine: Actingan lang no? True-to-life ba yan?
 
Tila 'yan din ang tanong nga mga sumusubaybay sa phenomenal na tambalan.
 
Nitong Miyerkules, nagkaroon ng nakakakilig na sign exchange sina Alden at Maine.
 
Nang sabihan kasi kung puwedeng magkatuluyan nga ang dalawa, humirit si Maine: "Paalam ka muna sa tatay ko." 
 
Sagot naman ni Alden: "Ready na ako!" —JST, GMA News