ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Moymoy Palaboy, tinupad ang dream church wedding ng asawa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naging emosyunal ang mga tagpo sa pakulo ni Moymoy Palaboy para tuparin ang pinapangarap na church wedding ng kaniyang asawa.

Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing nagkuwari si Moymoy, James Macasero sa tunay na buhay, na maghapong food tasting event ang pupuntahan nila ng asawang si Diane.



Limang taon nang kasal sa huwes sina Moymoy at Diane  pero nabanggit daw sa kaniya noon ng asawa na pangarap nitong makasal sila sa simbahan.

Sa tulong mga kaanak at kaibigan, binigyang katuparan ito ni Moymoy at sorpresang inalok niya ng kasal si Diane.  

Isang magandang Swarovski trio-band crystal ang engagement ring na ibinigay ng Bubble Gang star sa kabiyak.

“Sobrang mahal kita hanggang sa dulo ng walang hanggan kasama kita forever,” sambit ni Moymoy sa kaniyang kabiyak.
 
Kinilig at labis na natuwa si Diane sa ginawa ng asawa.
 
“Hindi ko inexpect yung effort niya na i-gather lahat tapos wala akong idea at all,” aniya.
 
Bukod sa mga kaanak, dumating din ang bestfriend ni Moymoy sa showbiz na si Aljur Abrenica.

Sa Enero sa susunod na taon nakatakda ang church wedding ng dalawa. -- FRJ, GMA News