ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Mga magulang ni Pauleen Luna, boto raw kay Vic Sotto
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bago pa man daw sila ma-engage at magkaroon ng planong magpakasal ng beteranong host at aktor na si Bossing Vic Sotto, tanggap na raw ng mga magulang at buong pamilya ng Kapuso artist at 'Eat Bulaga' Dabarkads na si Pauleen Luna ang pagmamahalan nila sa kabila ng malaking agwat sa kanilang edad.
Naging magalang raw si Vic hindi lamang sa kay Pauleen kundi sa kaniyang mga magulang, kaya naman agad itong nagustuhan mula noong maging magkasintahan sila.
Kuwento ni Pauleen sa Kapuso Mo Jessica Soho nitong Linggo, “They have always been okay with Vic, because si Vic goes to the house. Nagpapakita po siya doon, nagpapaalam po siya sa magulang ko kapag aalis po kami or kung anoman. So nakita po ng mga magulang ko na totoo din naman po ‘yung intentions niya.”
Masaya rin daw ang future Mrs. Vic Sotto na maayos ang relasyon niya at ng mga anak ni Bossing, at kahit na hindi sila nagkakaroon ng maraming pagkakataon na magkita o magkasama, ramdam daw niya ang respeto ng mga ito sa kaniya.
Aniya, “I would say that we have a good relationship. We respect each other. Hindi naman po kami nabibigyan ng maraming pagkakataon na magkasama-sama, but the few times that we are together, masaya naman po.”
Nakatakdang maganap ang kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna bago matapos ang taon, at kamakailan lamang nga ay nagsimula na ang dalawa na maghanda para sa araw na ito.
Iilan lamang daw ang iiimbitahin nila sa kanilang pag-iisang-dibdib, kabilang ang kani-kanilang mga pamilya at pinakamalalapit na kaibigan mula sa loob o labas man ng showbiz.
Paliwanag ni Pauleen, “ “We're not a very showbiz couple. We don't have a lot of showbiz friends. We only have the Eat Bulaga friends, and only a few. So hindi naman po siguro masasabi na exclusive because there will still be people from show business. But ‘yung mga totoong kaibigan lang po talaga namin, ‘yung mga close po sa amin which isn't very many.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: pauleenluna, vicsotto
More Videos
Most Popular