Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBPreparationDay

Bakit nako-conscious si Yaya Dub?


Totoo ba ang kasabihan na tinataghiyawat ang mga taong in love?

Ito ang tanong ng mga Dabarkads sa pagpapatuloy ng kalyeserye sa Eat Bulaga ngayong Biyernes.

Si Yaya Dub kasi, may pimple sa kaniyang mukha.



Kaya naman ang dalaga, tila na-conscious pagdating sa kalyeserye.



Hirit pa ni Allan K, ang title daw dapat ng episode: "The Dimple and the Pimple."

Pero para kay Alden, hindi isyu ang taghiyawat. "Kahit may pimple ka, maganda ka pa rin," aniya.

Samantala, nagbigay naman ng payo ang iba-ibang Dabarkads sa unang pagdalaw ni Alden kay Yaya sa mansyon ni Lola Nidora.

Sabi ni Ruby, dapat daw magpasalubong ng biko at pancit. Dagdag pa nito, 'wag daw basta uupo kung hindi pinauupo.

Ayon naman kay Pia at Sam Yg, dapat niyang bigyan ng regalo ang lahat ng mansyon.

Sabi naman ni Jimmy, dapat maging magalang si Alden.

Tip naman ni Ryan, kilalanin ang pinakamataray na tao sa mansyon at kaibiganin.

Si Allan naman, pahihiramin daw ng kotse si Alden, basta maghaharana ito ng, "Pen Pen De Sarapen, itong si Meng, mahal ni Den."

Pero ang pinakamatinding tip, galing kay Henyo Master Joey.

"Sakmalin mo agad... ang pagkakataon," aniya.

Sa Ingles: "Seize the day!" - JST, GMA News