Filtered By: Showbiz
Showbiz

Songwriting contest, bubuksan ng Eat Bulaga dahil sa mga 'Aldub' inspired song


Dahil sa dumaraming awitin na nalikha na inspirasyon sa tambalang "AlDub" nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza, inanunsiyo ni Joey de Leon nitong Sabado na magkakaroon ng songwriting contest ang Eat Bulaga.

Pahayag ni Joey bago matapos ang programa ng Eat Bulaga nitong Sabado, "Hindi lang ang kulturang Filipino ang binubuhay at ibinabalik ng "AlDub," pati na rin ang mga OPM  (Original Pilipino Music). Kaya para sa lahat ng dabarkds na gustong makapagsulat ng kanta, ng awitin na nabigyan ng inspirasyon ng AlDub, ito na ang pagkakataon n'yo."

Dagdag pa ng Henyo Master ng Eat Bulaga, bukas ang naturang contest sa lahat ng dabarkds na gustong sumali  at iaanunsyo rin nila sa mga darating na araw ang detalye kung papaano sumali.

Sa pagdiriwang ng "National Pabebe Wave Day" nitong Sabado, ilang "AlDub" songs ang ipinarinig sa Eat Bulaga habang naghahanda si Alden sa gagawing pagbisita niya kay Yaya Dub sa mansyon ni Lola Nidora.
 
 

Haharanahin tayo nina: Kulas Basilonia (Baeyaya), Keiko Necessario (AlDub Song), J316 (Sa Tamang Panahon) Di namin kayo pipigilan sa kilig! See you later! :)

Posted by Eat Bulaga on Friday, September 25, 2015


Bago nito, ilang mang-aawit na gumawa ng AlDub inspired songs ang napanood na sa GMA News Unang Hirit.








-- FRJ, GMA News
Tags: eatbulaga, aldub
LOADING CONTENT