Pangalan ng anak nina Marian at Dingdong, inihayag na
Inihayag na nitong Sabado sa baby shower ang buong pangalan ng magiging panganay na anak ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera-- ito ay Maria Letizia.
"Yung lola ni Dong at saka yung kapatid ng papa ko parehong Leticia. So tugma talaga," saad ni Marian sa Instagram post ni GMA showbiz reporter Nelson Canlas.
"Please pray for me na mailabas ko siya nang matiwasay," dagdag pa umano ng aktres.
Ayon kay Nelson, naging very intimate ang ginanap na baby shower ni Marian kung saan mga malalapit na kaanak lang at kaibigan nila ni Dingdong ang naging panauhin.
Sa mga ipinost na larawan sa Instragram ni Nelson, sinabi nito na umabot lang sa 10 lamesa ang inihanda sa nasabing okasyon na ginawa sa isang kilalang hotel.
"The venue is elegantly decorated in everything pink, white and girly," ayon kay Nelson.
Sa panayam niya kay Marian, sinabi ng aktres na plano nila ni Dingdong na umatend sa Lamaze classes bilang paghahanda sa kaniyang panganganak.
Wala sa baby shower si Dingdong dahil "mostly girls" lang daw ang inimbitahan sa event.
A video posted by Nelson Canlas (@nelsoncanlas) on
A photo posted by Nelson Canlas (@nelsoncanlas) on
Nagpost din si Marian ng larawan sa kaniyang Instagram account kung saan inihayag nito ang pagiging excited sa naturang baby shower.
A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on
-- FRJ, GMA News