ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Nagkakatotohanan na?

Alden kay 'Meng': 'You're a beautiful person inside and out'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kapuna-puna na tunay na pangalan ni Alden Richards, na Richard Faulkerson Jr., ang inilagay ni Maine "Yaya Dub" Mendoza sa sulat na ibinigay nito sa binata nang magkita sila sa mansyon ni Lola Nidora nitong Sabado.

Sa naturang episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga, muling tinukso ng mga lola si Maine nang makita nila na tunay na pangalan nga talaga ni Alden ang nakalagay sa sulat na ibinigay nito sa aktor bago umalis ng mansyon.

Sa Instagram post ni Alden, ipinakita niya ang cover ng sulat sa kaniya ni Maine.

Matapos umano niyang mabasa ang sulat, lalo raw niyang nakilala ang dalaga na tinawag naman niya sa tunay nitong palayaw na "Meng."

"Upon reading this letter, mas nakilala kita. You're a beautiful person inside and out Meng. Maraming salamat sa message mo. TULOY ANG FOREVER!!!," ani Alden.
 



Nagkakatotohanan na nga ba ng kanilang nararamdaman ang dalawa? -- FRJ, GMA News
Tags: aldub, kalyeserye