Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards, Yaya Dub to get stars on PHL Walk of Fame


Dahil sa hindi matatawarang impluwensiya ng kauna-unahang Kalyeserye sa noontime show na Eat Bulaga sa industriya ng media at entertainment ngayon, nakatakdang maging bahagi ng Walk of Fame Philippines ang ilan sa mga karakter na bumibida dito.

Kabilang sa mga magiging bahagi ng Walk of Fame sa Eastwood City ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, pati na sina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora, na ginagampanan nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo.

Ginawa ni Master Showman German Moreno ang pagaanunsiyong ito sa naganap na 2nd Inding-Indie Short Film Festival awards night nitong Linggo, kung saan nagwagi bilang Best TV Show ang Eat Bulaga.

Ayon kay Kuya Germs, "Napatunayan naman natin for how many years na tayo ang nangunguna, kaya nagpapasalamat ako sa grupong ito dahil hanggang ngayon ay hindi sila nakakalimot."

Magaganap ang paggawad ng bituin sa AlDub at sa grupo ng lola na tinaguriang Kalye's Angels sa December 1.


—Bianca Rose Dabu/NB, GMA News