advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Birthday celebration ni Kuya Germs, star-studded


Ipinagdiwang ni Master Showman German Moreno ang kaniyang kaarawan sa isang enggrandeng selebrasyon ang mga kaanak at kaibigan mula sa loob at labas ng showbiz.
 
Kabilang sa mga nakisaya sa surprise birthday party, sa pangunguna ng anak ni Kuya Germs na si Federico, ay ang mga kasamahan ng batikang TV host sa Sampaguita Pictures gaya nina Susan Roces, Gloria Romero, Barbara Perez, Eddie Gutierrez, Anabelle Rama, at ang magkapatid na Marichu Vera-Perez Maceda at Lilybeth Vera-Perez Nakpil.


 
Naroon din si Mother Lily at ang mga executives ng Kapuso Network sa pangunguna ni Senior Vice President for Entertainment TV na si Lilybeth Rasonable.
 
Hindi rin pinalampas ng mga alaga ni Kuya Germs sa Walang Tulugan ang selebrasyong ito para sa kanilang tatay-tatayan sa showbiz.
 
Sa ulat ni Lhar Santiago sa Balitanghali, nagpaabot ng mensahe ang batikang aktres na si Susan Roces para sa kaibigan. Aniya, “Congratulation, German! Maraming nagmamahal sa'yo. Nakita mo naman ang turn out ng surprise party ni Federico para sa'yo. We love you and we wish you long life, happiness and good health.”
 
Ayon naman kay Gloria Romero, “Nakikita ko siya na emotional because hindi niya akalain na everybody will be here tonight to greet him. Happy, happy birthday, Pareng Germs. We love you dearly.”
 
Humabol rin sa birthday celebration ng Master Showman si Manila Mayor Erap Estrada at Vice Mayor Isko Moreno.
 
Bago ito, nagkaroon din ng selebrasyon si Kuya Germs sa Walang Tulugan kasama ang ilang mga artistang naging malapit sa kaniya, kabilang na si Superstar Nora Aunor at TV and movie host and actress Iza Calzado.
 



 
“Thank you for everything that you've done for my dad and for the family! You were one of dad's best friends and I will always consider you as one of my Tatay's in the industry. Wishing you the best of health and more years of happiness and bringing joy to people's lives!” pagbati ni Iza. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
 

Tags: kuyagerms
LOADING CONTENT