ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Bernal, 'di raw talaga mapigilang maiyak tuwing elimination sa StarStruck


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bilang journey host ng reality based artista search na Starstruck, ayaw daw talaga ni Kris Bernal na umiyak tuwing elimination para hindi siya makaagaw ng "moment" pero sadyang hindi raw niya mapigilan ang sarili na hindi maapektuhan kapag may natatanggal na artista hopeful.

Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa GMA News 24 Oras nitong Martes, ipinaliwanag ni Kris na sadyang naapektuhan siya kapag may natatanggal dahil dati rin siyang sumabak sa StarStruck.

"Gusto ko talaga pigilan (ang pag-iyak) kasi ayokong makaagaw ng moment kasi kapag umiyak ako baka mamaya...alam mo ramdam na ramdam ko talaga parang kung may chance ulit. Ganun yung feeling ko," ani Kris.
 
Bukod sa hosting, masusubok din ang husay ni Kris sa drama dahil gaganap siyang mentally-challenge na ina sa pinakabagong GMA  soap na "Little Nanay."

Ang kanyang anak sa soap, gagampanan naman ng child star na si Chlaui Malayao na hinangaan noon sa pagganap bilang si Eliza sa "Yagit."

Doble raw ang paghahanda ni Kris sa naturang serye dahil batikang mga artista ang kaniyang makakasama.

Kabilang dito si Sunshine Dizon, Eddie Garcia, at ang Superstar na si Nora Aunor, na pangarap daw ni Kris na makatrabaho

"Kinakabahan na nga ako eh. Sa eksena siguro kailangan ko talagang mag-effort and at the same time kailangan kong pag-aralang mabuti," ayon kay Kris. -- FRJ, GMA News