ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sid Lucero, surfing instructor sa film fest movie na 'Apocalypse Child'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilala ang munisipalidad ng Baler sa  lalawigan ng Aurora bilang isa sa surfing capitals ng Pilipinas. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, sinasabing nagsimula ang hilig ng mga tao sa lugar sa surfing nang i-shoot sa lugar ang Hollywood war movie na "Apocalypse Now," na ginawa ng batikang direktor na si Francis Ford Coppola.


 
Taong 1977 nang mag-shoot ang naturang pelikula sa Baler, at ayon sa kuwento ng lokal na komunidad, natutong mag-surf ang mga tao sa kanilang lugar dahil sa mga naiwang surfboard ng film crew.
 
Mula noon, itinuring na ng marami ang Baler bilang lugar kung saan nagsimula ang water sports na surfing sa Pilipinas.
 
Sa kuwentong ito nakabase ang pelikulang 'Apocalypse Child,' isa sa mga pelikulang kalahok sa QCinema International Film Festival 2015 na pagbibidahan nina Sid Lucero at Gwen Zamora.
 
Gagampanan ng aktor ang karakter ni Ford, isang surfing instructor sa Baler, na naniniwalang anak siya ng Hollywood director na si Coppola.
 
Ayon kay Sid, isa ito sa pinakamasayang pelikula na nagawa niya at naging dahilan para napamahal sa kaniya ang Baler at mga residente nito. Katunayan, nanatili pa siya sa Baler ng ilang araw matapos ang shooting ng pelikula. 
 
“Honestly this is the most fun I've ever had on a set. It really didn't feel like working. I mean, come on, we shot on a beach, we finished at what, 8 o'clock most of the time? And we were there for a month! I fell in love with Baler. I want to live there. I want to die there!” kuwento niya.


 
Ipalalabas ang 'Apocalypse Child' simula sa October 23 sa ilang sinehan, at aminado si Sid na kinakabahan siyang panoorin ito dahil inilalarawan sa ilang bahagi ng pelikula ang kaniyang tunay na buhay.
 
Bagaman comedy, may lalim umano ang tema ng pelikula.
 
“I think this is the first time I allowed myself to be that exposed. I’ve never been so comfortable naked, not physically, but exposed, like your heart’s right there. The sensitive scenes, I like them as real as possible. And that's never easy because you're basically baring your soul to someone you barely know and to other people, too. Tapos may camera pa,” ani Sid.
 
“But when I started seeing how I thought Direk Mario saw the film, the more it became appealing to me. It's nice because everything's so real and natural, all his scenes. And the fact that it was supposed to be a comedy but done reverently. And that's what I like nowadays, comedies that actually say something,” dagdag pa niya.

Mapapanood ang mga pelikulang kalahok sa QCinema International Film Festival simula sa Oct. 22 hanggang Oct. 24.

Kinabibilangan ito ng "The Last Pinoy Action King," "Matangtubig," "Apocalypse Child," "Sleepless," "Gayuma," "Patintero: Ang Alamat ni Meng Patalo," "Kapatiran," "Iisa," "at Water Lemon." (Larawan mula sa ArkeoFilms). -- FRJ, GMA News