ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
KALYESERYE RECAP
Add GMA on Google
Lola Nidora, patuloy ang pagbubunyag ng laman ng diary
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagtapos ang Kalyeserye nitong Lunes habang binabasa ni Lola Nidora ang laman ng diary, na pagmamay-ari pala kanilang ina.
Ayon sa entry mula taong 1938 nang mapunta ang kanilang ina sa Paris, may matandang manghuhula na nagsabing kailangang marating ng mga Lola, ni Yaya Dub, at ng binatang may dimple ang isang bahay sa October 31, 2015 upang higit silang maliwanagan sa kahulugan ng tunay na pag-ibig.
Sa pagpapatuloy ng Kalyeserye nitong Martes, ibinahagi pa ni Lola Nidora ang mga laman ng diary na nagsasabi kung ano ang hitsura ng bahay.
“Mayroon itong malaking bintana at pito na nakaharap sa kanluran. Sa pagpasok mo, may malaking larawan ng isang magandang babae.”
Sinabi rin dito na ang susi sa naturang bahay ay matatagpuan lamang sa mansyon kung saan nakatira ngayon ang D'Explorers sisters at si Yaya Dub.
Ayon sa kanilang ina, “Nakalagay ito sa paboritong tagpuan ng mga mahal sa buhay.”
Bago pa man malaman ng lahat kung saan itong tagpuan na ito, tumawag si Rihanna at saka ito binilinan ni Lola Nidora na itapon ang lahat ng mga lumang paso sa hardin upang maiwasan ang pamumugad ng mga lamok na may dalang dengue.
Ipinagpatuloy ng matanda ang pagbabasa ng diary, at sinabi rito na mahaharap sa pagsubok ang pag-ibig ni Yaya Dub at ng binatang may dimple dahil sa tukso at sa mga naiinggit sa kanila.
Gayunpaman, nagtagpo raw ang puso ng dalawa, kailangan na lang nilang marating ang bahay upang maliwanagan sa inaasam na wagas na pag-ibig.
“Itago mo ang susi sa hardin sa isang paso na hindi nila papansinin at pagdating na tamang panahon, matatagpuan rin ang susi na 'yan na magdadala sa kanila sa inaasam nilang wagas na pag-ibig,” ayon sa mga nakasulat sa diary.
Agad na tinawagan ni Lola Nidora si Rihanna upang pigilang itapon ang mga paso, ngunit huli na ang lahat.
Natapon na ni Rihanna ang mga paso. Paano kaya nila makikita ang susi? Abangan yan BUKAS! #ALDUBPredictions
— Eat Bulaga (@EatBulaga) October 27, 2015 Naitapon na raw ito ng mayordoma ang mga paso at nakaalis na ang truck ng basura.
Mauudlot nga ba ang forever ng AlDub dahil sa pagkawala ng susi sa bahay?
Alamin ang mga susunod na pangyayari sa Kalyeserye ng 'Eat Bulaga' mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Network. —JST, GMA News
Tags: aldub
More Videos
Most Popular