Filtered By: Showbiz
Showbiz

How to dress up as Yaya Dub, Kalyeserye characters for Halloween



 
Hindi lamang mga nakakatakot na looks ang uso tuwing Halloween dahil pagkakataon rin ito ng marami upang mag-transform sa kani-kanilang paboritong karakter mula sa telebisyon, pelikula, at maging sa totoong buhay.
 
Matapos maging hit sa isang cosplay event nitong Oktubre, marami na ang nais maging ala-Yaya Dub at mga Lola ngayong Halloween. 
 
Sa Unang Hirit nitong Martes, ipinakita ang ilan sa mga make up tutorial upang makuha ang look ni Yaya Dub at nina Lola Nidora, Tidora at Tinidora.
 
Ayon sa vlogger na si Michelle Dy, pinakanagustuhan niyang gayahin si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub dahil sa magandang features nito. Isa raw sa mga siniguro niya sa kaniyang make up tutorial ay ang makuha ang plump lips ng dalaga.

 
 
“Ang ganda ng features niya kasi malaki 'yung mata niya, very bright. And her lips are nice, too, because it's very plump,” aniya.
 
Bukod sa Halloween, maaari ring maging pang-araw-araw na fashion inspiration si Maine, gaya na lamang ng ginagawa ng AlDub fan na si Justin Ramirez.
 
Paliwanag ni Justin, “Para sa akin, ito yung way ng isang fan para maipakita ang pagmamahal sa iniidolo niya.”
 
Narito ang ilang make up tutorials upang magaya ang look nina Maine Mendoza, Yaya Dub, Lola Nidora, at Duhrizz. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: halloween, aldub