ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto, Pauleen Luna want private, intimate wedding


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Personal na inaasikaso ng 'Eat Bulaga' Dabarkads na si Pauleen Luna ang inaabangang kasalan nila ng batikang TV host and actor na si Bossing Vic Sotto sa darating na 2016.
 
Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa '24 Oras' nitong Miyerkules, ang Kapuso actress mismo ang kumakausap sa kanilang supplier at sa mga magiging bahagi ng entourage.
 
Kabilang na rito ang 'Eat Bulaga' host na si Ruby Rodriguez bilang Matron of Honor at si Binibining Pilipinas-Universe Pia Wurtzbach bilang isa sa mga bridesmaid.
 
Inaalala rin umano ni Pauleen ang kagustuhan nila ni Bossing na maging simple at intimate ang kanilang kasal kaya naman tanging malalapit na kaibigan at katrabaho lamang ang imbitado bukod sa kani-kanilang mga pamilya.
 
Paliwanag niya,  “The point is, we just really want it to be private and solemn and simple. Para maramdaman talaga namin kung ano yung okasyon.”
 
Inaasikaso na rin ni Pauleen ang isusuot niyang wedding gown, at bilin niya umano sa sikat na Filipino fashion designer na si Francis Libiran, gawing simple ngunit elegante ang kaniyang wedding gown, tulad na lamang ng tema ng mga ipinamahagi nilang wedding invitations.
 
 

They're here!!!! ????

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on

 
Bukod sa kaniyang mga nabanggit, naging matipid na ang bride-to-be sa iba pang detalye ng kasal.
 
Gayunpaman, nangako naman siya na hindi nila ipagdadamot ang kanilang wedding day sa fans.
 
“'Yung news will be there and then sa iba ring kaibigan sa press. Mamimili naman kami ng pictures and materials na ishe-share,” ayon kay Pauleen. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News