ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mga lola sa kalyeserye, masaya na may napupulot na aral sa kanila ang mga kabataan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa tagumpay ng tambalang AlDub sa kalyeserye ng Eat Bulaga, masaya rin sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, na nakapupulot ng aral ang mga kabataan mula sa mga mensahe nila bilang mga lola sa programa.

Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, tiniyak ng JoWaPao na gumaganap bilang sina Lola Nidora, Tidora at Tinidora na marami pang pasabog na magaganap sa kalyeserye.



Ayon kay Wally, kung ngayon na inalis pa lang ang mga balakid sa pagtatangi ni Alden Richards kay Maine "Yaya Dub" Mendoza ay marami nang nagaganap, papaano pa kung ibigay na ng dalaga ang matamis nitong 'oo' sa binata.

Bukod sa magandang ratings at feedback ng Aldub Nation, ikinatutuwa rin ng JoWaPao na pinakikinggan ng mga kabataan ang mga paaalala nila bilang mga lola na "Da Explorer Sisters."

Kabilang sa madalas na mensahe na ibinibigay ng mga lola ay patungkol sa pag-ibig at relasyon, pagharap sa buhay, at paggalang sa mga nakatatanda.

Samantala, maging ang JoWaPao ay kinikilig din sa tambalang AlDub sa harap at likod ng camera.
Kaya naman hindi raw sila magtatataka kung balang araw ay magkatuluyan sina Alden at Maine.

"Meron siyempre... kahit sino naman kahit hindi mo gusto yung isang tao 'pag tinutukso ka nagkakagusto ka na rin," ani Jose.

Tampok ang tatlo sa birthday special ng programang "Tonight With Arnold Clavio" at mismong ang host daw ng programa ang humiling na maging guest niya ang mga ito. -- FRJ, GMA News