Iya Villania, balik-acting sa 'Because Of You'
Sasabak na muli sa acting ang 'Chika Minute' host ng GMA News 24 Oras na si Iya Villania sa upcoming Kapuso series na "Because of You," na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Gabby Concepcion.
Sa ulat ng 24 Oras nitong Huwebes, sinabing puspusan na ang pagta-taping ng bagong teleserye na pamamahalaan ni Direk Mark Reyes V.
Gagampanan ni Carla ang karakter bilang si Andrea, at magiging leading man niya si Gabby bilang si Jaime.
Best friend naman ni Andrea ang magiging role ni Iya kasama Vaness del Moral.
Sa taping, makikita ang good vibes at kulitan ng cast members ng serye.
Ayon kay Iya, siya ang magiging matinong kaibigan ni Carla habang si Vaness naman ang magiging pasaway.
"Ako yung naglalagay sa alanganin at disgrasya kay Andrea," dagdag ni Vaness.
Maging si Gabby, game din umanong nakipagbiruan, ayon kay Iya.
"Ibang istorya, napakaganda... feel good teleserye," anang aktor.
Mapapanood ang "Because Of You" sa primetime block simula sa Nobyembre. -- FRJ, GMA News