ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards, premyo naman ang hatid sa Kapuso Milyonaryo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kung kilig at saya ang dala ni Alden Richards sa kalyeserye, premyo naman at pag-asa hatid ng Pambansang Bae sa "Kapuso Milyonaryo Raffle Promo."

Hindi lang ang mga bahay ng masuwerteng Kapuso Milyonaryo P1 million winners ang pinupuntahan ni Alden kung hindi maging ang mga weekly winners ay binibigyan din niya ng oras.



Nitong Linggo lang, inanunsyo na sa "Sunday Pinasaya" ang first weekly winners na kabilang ng first surprise millionaire sa bagong season ng Kapuso Milyonaryo.

Sa mga nais magkaroon ng tiyansang manalo ng malalaking papremyo tulad ng house and lot, brand new car at one million pesos cash, ituloy lang ang pagpapadala ng entries.

Para sa iba pang detalye, bisitahin lang ang official Facebook page ng Kapuso Milyonaryo. -- FRJ, GMA News