ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
pero may kapalit

Lalaki, binigyan ng kapangyarihan ng 'nuno sa punso' na manggamot


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa darating na Sabado, tatalakayin sa Halloween episode ng Magpakailanman ang kuwento ng kababalaghan na naranasan ng isang lalaki sa Maynila sa kamay ng mga nuno sa punso, na naglagay daw sa peligro sa buhay ng kaniyang pamilya.

Sa episode na, “Ang Kapangyarihan ng Nuno Sa Punso,” ilalahad ni Max ang ginawang paggambala ng mga nuno sa punso sa kaniyang pamilya. Gayundin ang pagpayag niya na tanggapin ang ibinigay sa kaniyang kapangyarihan para manggamot.


 
Subalit hindi naging madali para kay Max na ipagpatuloy ang atas ng mga nuno sa punso na magiging dahilan para masira ang relasyon niya sa asawang si Flor.
 
Sa huli, kakailanganin ni Max na mamili kung babalik ba siya sa kaniyang pamilya, o hahayaan na lang niya na malayo sa kanila upang manatiling ligtas mula sa mga nuno sa punso?



Gagampanan ni Raymart Santiago ang karakter ni Max, habang si Yasmien Kurdi naman ang magiging maybahay niyang si Flor.
 
“Ang Kapangyarihan ng Nuno Sa Punso” ay sa ilalim ng direksyon ni Michael De Mesa, mula sa panulat ni Venjie Pellena at pananaliksik ni Loi Argel Nova.

Mapapanood ang Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto. (Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment). -- FRJ, GMA News