ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBMissingRing

Kalyeserye Recap: Lola Nidora, beast mode sa 100th day ng AlDub


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Galit na galit si Lola Nidora sa episode ng Kalyeserye ngayong Lunes dahil hindi pa rin nahahanap ni Alden ang nawawalang Singsing ni Lola.

Matatandaang natagpuan ng mga Lola at ng AlDub ang singsing sa alahasan na nahanap nila sa Bahay ni Lola nitong nakaraang Sabado, October 31, ngunit nalaman ni Alden na nawawala ito nitong Sabado, Novemeber 7, nang ibibigay niya sana ang singsing kay Yaya Dub matapos ang kanilang performance bilang Guy and Pip.

Ngayong Lunes, sinorpresa ni Alden si Yaya Dub nang sabihin niyang ika-100 araw mula nang magkakilala sila.

Bilang paggunita sa lahat ng pinagdaanan nila, binalikan ni Alden ang mga pinakamahahalagang pangyayari sa Kalyeserye, tulad na lamang ng una nilang pagkikita, ang first date, ang Tamang Panahon, at marami pang iba.

 

 

Nagpadala rin siya ng mga bulaklak kay Yaya Dub.

Hindi naman nakalimutan ng dalaga ang okasyong ito, at naghanda rin siya ng sulat para sa Pambansang Bae.

 

 

Pero hindi makasabay si Lola Nidora sa kasiyahan at kilig ng dalawa at ng mga Dabarkads dahil nagagalit pa rin siya sa pagkawala ng singsing.

Aniya, pinagkatiwalaan niya si Alden ng mahalagang bagay na iyon na mula pa sa kanilang lola, ngunit naging pabaya ang binata.

Nangako naman si Alden na hahanapin niya ang singsing para sa forever nila ni Yaya Dub.

Sa pagtatapos ng Kalyeserye, may ipinadalang sulat kay Lola Nidora, at bago pa man malaman ng lahat ang laman nito at ang dahilan sa likod ng galit na reaksyon ng matanda, tumunog na ang busina.

Abangan ang susunod na episode ng Kalyeserye sa “Eat Bulaga” upang malaman ang laman ng sulat, at kung mahahanap na ba ni Alden ang nawawalang singsing.

 

 

—JST, GMA News