Dating 'Bubble Gang' members, mapapanood sa 20th anniversary show
Ipinagdiriwang ng cast at crew ng longest-running Kapuso comedy sketch gag show na "Bubble Gang" ang ika-20 anibersaryo ng programa ngayong Nobyembre.
Bilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanila sa loob ng mahabang panahon, magdaraos ng thanksgiving mall show ang cast sa Taguig City ngayong Huwebes.
Magaganap ang "Bubble Gang 20th Anniversary Thanksgiving mall Show sa Huwebes, November 19, 5:00 p.m., sa Market! Market! Bonifacio Global City.
Bukod pa riyan, naghanda rin sila ng isang espesyal na documentary kung saan nagsama-sama muli ang lahat ng cast ng "Bubble Gang" upang balikan ang mga alaala nila sa programa.
A video posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on
Kabilang sa mga nagbalik para sa naturang intimate presentation sina Ogie Alcasid, Assunta de Rossi, Ara Mina, Diana Zubiri, at Sunshine Cruz.
Magiging bahagi rin nito ang mga batikang mamahayag na sina Mike Enriquez at Jessica Soho, na siyang kakapanayam sa cast ng "Bubble Gang."
Mapapanood ang special presentation na ito ng programa sa November 27, Biyernes, sa GMA Network.
A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on
A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on
A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on
-- FRJ, GMA News