ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

AiAi delas Alas, naging emosyunal sa kaniyang benefit concert


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi napigilang maging emosyonal ng Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas sa kanyang prinoduce na benefit concert.

Sa ulat ng GMA News Balitanghali nitong Martes, sinabing lubos ang pasasalamat ng aktres dahil sobra-sobrang blessings na natatanggap niya at sa mga pagsubok na kanyang nalampasan.

Ang kinita sa kaniyang concert ay mapupunta sa pagpapagawa ng Kristong Hari Church sa Commonwealth, Quezon City.

Kabilang sa mga nagtanghal sa concert ang Pambansang Bae na si Alden Richards, Kylie Padilla, Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Kasabay nito, nagpaabot din ng mensahe si AiAi sa bagong parents na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

"Sabi ko nga kay kambal (Marian) dun sa Instragram ko, enjoy your motherhood kasi masarap maging nanay. It's a very noble profession. Habang nagpapa-breastfeed ka, titig-titigan mo siya para makita niyang super na love mo siya," payo ni AiAi.

Samantala, damang-dama naman ni Dingdong ang kasiyahan sa pagsilang ng panganay nila ni Marian na si baby Maria Letizia.

Sabi ni Dingdong sa kanyang Instagram post,  maituturing nilang himala ang pagdating ni baby Z sa buhay nila ni Marian, at bagong kabanata raw ito ng kanilang buhay mag-asawa.

Nagpasalamat din si Dingdong sa lahat ng nagdasal para sa safe delivery kay baby Letizia. -- FRJ, GMA News