ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Babalik pa kaya siya?

Jose Manalo, nagpaliwanag kung bakit wala siya sa kalyeserye


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Marami ang nagtatanong kung nasaan at bakit ilang linggo nang hindi napapanood si Jose Manalo, o Lola Tinidora sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sa late night news na Saksi nitong Martes, sinabi ni Arnold na nag-text sa kaniya si Jose tungkol sa pagkawala niya ng ilang linggo sa sikat na kalyeserye.

Ayon kay Jose, kauuwi lang niya ngayon matapos magbakasyon sa Amerika.

Ang maganda umanong balita ni Jose, balik-kalyeserye na siya simula sa Miyerkules.

Kaya abangan kung ano ang magiging reaksiyon ni Tinidora kay Cindy the Russian model na karibal ngayon ni Yaya Dub kay Alden.

Na-miss n'yo na ba si Jose? Balikan ang wild and wacky personas niya sa EB Kalyeserye.



 
 
 
 
 
 

 

-- FRJ, GMA News