Final 6 ng 'Starstruck', napili na
Napili na ang Final 6 na maglalaban-laban sa titulong Ultimate Male and Female Survivor sa Starstruck matapos ang double elimination nitong Biyernes ng gabi.
Sa elimination night, bukod kina Joey de Leon at Regine Velasquez, nagsilbing guest judge ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann
Ano kaya ang magiging hatol ng ating council?Sinu-sino ang mananatili at sinu-sino ang uuwi?#StarStruckBattleToSix
Posted by StarStruck GMA on Friday, November 27, 2015
Bago ang tanggapan, nagkaroon muna ng kani-kanilang pagtatanghal ang walong artista hopefuls na sina Migo Adecer, Jay Arcilla, Avery Paraiso, Elyson De Dios, Liezel Lopez, Arra San Agustin, Ayra Mariano, Klea Pineda para ipakita ang kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw.
Kahit huling pagkakataon na para gamitin ng judges ang kanilang power to save, hindi na nila ito ginamit kaya ibinatay sa boto ng mga manonood ang pagpili sa mga mananatili sa kompetisyon.
Unang tinawag ng mga host na sina Dingdong Dantes at Megan Young ang mga pasok sa Final 6 na sina Elyson, Klea, Arra, Jay, Migo at Ayra, habang naiwan at dineklarang tapos na ang artista journey nina Avery at Liezel.
Habang nagbunyi ang mga tagasuporta ng mga nakapasok sa Final 6, hindi na naman makapaniwala ang mga tagasuporta nina Liezel at Avery na nagtapos na ang kanilang journey sa Starstruck.
Grabe.. Bakit si Avery?! :'( #StarStruckBattleToSix #ALDUBDontGiveUpOnUs
— Adyel Yrema (@leydAAmery) November 27, 2015 Why Liezel?Is it because they like Ayra more?Klea is not deserving to be in Top 6. Kaya puro bakya artista ng GMA eh. #StarStruckBattleToSix
— WILFREDIAN (@itsIANTheGreat) November 27, 2015 Grabeh double heartbreak to! Bakit si @LiezelLopez_ at @averyparaiso pa ang tinanggal. Ansakit uy! #StarStruckBattleToSix
— MAQ (@maricrissy) November 27, 2015 Why Liezel??!!!! ???????????? #StarStruckBattleToSix
— Ciara Alferos (@Ciara_SJ) November 27, 2015 Sad to say for @AveryParaiso #StarStruckBattleToSix
— Kean N. Torres (@miss_pikachu) November 27, 2015 Unexpected yung pagkatanggal nina Avery and Liezel :( Mas deserving sila kesa sa iba. #StarStruckBattleToSix
— Carmela Concepcion (@Carmela27918055) November 27, 2015 oh my! Avery and Liezel? seriously?! ASAN ANG HUSTISYA?!!!! #StarStruckBattleToSix
— Vy Prestoza (@vsprestoza) November 27, 2015Bukod kina Liezel at Avery, kabilang sa mga naunang naalis at tinatawag na ngayong Starstruck Avengers sina Princess Guevarra, Joemari Nielsen, Koreen Medina, James Teng, Kevin Sagra, at Analyn Barro. -- FRJ, GMA News