ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Synthesis' album ni Glaiza de Castro, certified Gold record na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang kaniyang matagumpay na solo concert ngayong taon, patuloy ang tagumpay ng music career ng Kapuso artist na si Glaiza de Castro kasabay ng pagiging certified Gold record ng kaniyang album na "Synthesis."

Nitong Lunes, nagpasalamat si Glaiza sa lahat ng mga sumuporta sa kaniyang unang self-produced album.

Aniya sa isang Instagram post, "Hindi ko naimagine na mangyayari ito pero sa lahat ng may kopya ng Synthesis, thank you for supporting the music and for making the album gold."

"Nung una okay na na mabuo yung mga kanta, na ma-share siya, hanggang sa kung saan saan na nakarating at ngayon naisip ko, Dreams Never End nga pala. Sa puntong ito may mahihiling pa ba ako? Wala na siguro. Gusto ko nalang maging masaya," dagdag pa ni Glaiza.

Nagpapasalamat siya sa lahat ng kaniyang mga kaibigan at kapwa-musician na tumulong upang mabuo ang album, sa kaniyang pamilya para sa suporta, at sa Panginoon para sa patuloy na paggabay,

 

 

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News