Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

Kalyeserye stars, Kapuso personalities get stars in PHL Walk of Fame


Opisyal na naging bahagi ng Walk of Fame Philippines ang mga bumubuo ng phenomenal na Kalyeserye ng Eat Bulaga nitong Martes, December 1, sa Eastwood City.

Dumalo sa induction sina Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, at sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo na gumaganap naman bilang ang D'Explorers Sisters na sina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora.

Hindi naman nakadalo si Pambansang Bae Alden Richards ngunit isa rin siya sa mga nakatanggap ng star sa Walk of Fame.

Ayon kay Master Showman German Moreno, karapatdapat na makatanggap ng pagkilala ang mga bumubuo ng Kalyeserye dahil sa hindi matatawarang impluwensiya nila sa industriya ng media at entertainment ngayon. 

“Napatunayan naman natin for how many years na tayo ang nangunguna, kaya nagpapasalamat ako sa grupong ito dahil hanggang ngayon ay hindi sila nakakalimot." ayon kay Kuya Germs sa naunang pahayag.

Ilan pa sa mga naging bahagi ng Philippine Walk of Fame sa Eastwood City sina Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, Kapuso news anchor and journalist Kara David, Kapuso actors Jake Vargas at Rocco Nacino, Kapuso actress Sunshine Dizon, “Marimar” star Alice Dixson, at marami pang iba.

 
 
 
 
 
 

 

—JST, GMA News