ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Camille Prats thankful for star in PHL Walk of Fame


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa ang Kapuso actress na si Camille Prats sa mga nabigyan ng bituin sa Philippine Walk of Fame sa Eastwood City nitong Martes, December 1.

Sa isang Instagram post, nagpasalamat ang aktres sa pagkilalang natanggap niya, na nagsilbi na ring patunay ng 23 taon niyang pamamayagpag sa industriya ng showbiz, mula pag-arte sa harap ng camera o hosting ng iba't ibang talk shows/

Ayon kay Camille, “ If there is one thing I am sure of about myself, it is my passion and love for this opportunity God has blessed me with since I was young, the gift of being able to do what I love to do infront of the camera.”

“I am grateful for the 23 years this industry has blessed me with. 23 years and counting. To everyone who have helped me be where I am today, maraming maraming salamat sainyo. Mas lalo ko pang pagbubutihin at pahahalagahan ang pagmamahal at mainit na pagtanggap na binibigay niyo sa akin,” dagdag pa niya.

 

Kabilang rin sa mga nabigyan ng bituin sa Philippine Walk of Fame ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza at ang D'Explorers siters na ginagampanan nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo. Naroon din sina Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, Kapuso news anchor and journalist Kara David, Kapuso actors Jake Vargas at Rocco Nacino, Kapuso actress Sunshine Dizon, “Marimar” star Alice Dixson, young actor Buboy Villar, “Princess in the Palace” actress Eula Valdeaz, at “Because of You” star Gabby Concepcion.

Nagpasalamat si Buboy sa karangalang natanggap bilang pagkilala sa kaniyang mga naiambag sa entertainment industry sa murang edad pa lamang.

“Thank you po Lord at kay kuya germs at sa lahat nang sumusuporta. Isang malaking karangalan po mas pagbubutihan ko pa po ang trabaho ko. Maraming salamat po,” aniya.

Gayundin ang sabi ng “Beautiful Strangers” star na si Rocco Nacino. Ayon sa aktor, “Humbled by this recognition. Thank you Lord for letting me experience this wonderful feeling. Isa ito sa magiging motivations ko para lalong pagbutihin ang trabaho ko. Won't forget this day!”

Ayon kay Master Showman German Moreno sa naunang pahayag, “Napatunayan naman natin for how many years na tayo ang nangunguna, kaya nagpapasalamat ako sa grupong ito dahil hanggang ngayon ay hindi sila nakakalimot." —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News