ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Sunday Pinasaya' director apologizes to AlDub fans for Twitter misunderstanding


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naging usap-usapan nitong linggo ang tweet ng “Sunday Pinasaya” director na si Rich Ilustre patungkol sa estado ng love life ni Alden Richards, isa sa mga bida ng naturang comedy variety show.

Tinanong raw ng isang follower ang direktor kung kasintahan ba ng Kapuso heartthrob ang Asia's Pop Sweetheart at kasamahan niya sa “Sunday Pinasaya” na si Julie Anne San Jose, na dati na ring na-link sa aktor.

Sinagot naman ito ng direktor ng “Yup,” na ikinabahala ng ilan at ikinagalit naman ng AlDub Nation, o ang mga tagasuporta ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Agad na binura ng direktor ang kaniyang tweet, ngunit marami na ang nakakita nito at marami pa rin ang patuloy na nagre-react.

Ayon kay Direk Rich, biro lamang ang pagsagot niya ng “Yup.”

Sa pamamagitan ng isang tweet, humingi siya ng paumanhin sa lahat ng nadismaya sa kaniyang pabirong sagot sa tanong tungkol sa love life ni Alden.

 

 

Nakarating sa isa pang direktor na si Jose Javier Reyes ang nangyaring ito sa social media, at agad naman niyang pinaalalahanan ang lahat ng huwag nang mag-away-away at ituon na lamang ang pansin sa “good vibes.”

Si Direk Joey ang direktor ng pelikulang “My Bebe Love” na pagbibidahan nina Vic Sotto at AiAi Delas Alas kasama ang AlDub.

Ipinagtanggol ni Direk Joey ang kapwa-direktor at sinabing mabuting kaibigan niya ito.

 

 

—JST, GMA News