ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sunday Pinasaya director apologizes to Maine, Alden, Julie Anne over Twitter issue


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos siyang humingi ng tawad sa AlDub Nation nitong Lunes, nagpaabot rin ng paumanhin ang “Sunday Pinasaya” director na si Rich Ilustre sa mga Kapuso stars na sina Maine Mendoza, Alden Richards, at Julie Anne San Jose. 

Naging usap-usapan nitong linggo ang tweet ng direktor na tila nagkukumpirma ng pagiging magkasintahan umano ni Alden at Julie Anne, na magkasama sa “Sunday Pinasaya” at dati na ring na-link sa isa't isa.

Agad na binura ng direktor ang tweet at sinabing pabiro lamang ang pagsagot niya ng “Yup.”

Nitong Miyerkules, humingi naman ng tawad si Direk Rich kay Alden, Julie Anne, at Maine para sa anomang negatibong epekto na naidulot ng kaniyang tweet.

Dagdag pa niya, labis ang respeto niya sa tatlong artistang ito at itinuturing niya ang sarili hindi lamang bilang direktor nila kundi kaibigan rin.

 

 

Sa huli, inamin ng direktor na natuto na siya sa pagkakamaling ginawa, at inaako niya rin umano ang lahat ng responsibilidad na kaakibat ng pagkakamaling ito.

 

 

—JST, GMA News