ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jessie J, may mensahe sa kaniyang Pinoy fans habang naka-'pabebe' wave


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang matagumpay niyang concert nitong Huwebes, plano ng international singer na si Jessie J na mamasyal sa bansa bago siya umalis. May mensahe rin siya sa mga Kapuso na sinambit niya sa wikang Pilipino habang naka-"pabebe" wave.

Dahil sa matagumpay niyang concert last year, muling bumalik sa Pilipinas ang British singer-songwriter na si Jessie J para sa one night only free concert kagabi.

Kuwento ni Jessie J na nasa likod ng mga sikat na awiting "Price Tag", "Bang-bang" at "Flashlight," unforgettable ang concert niya sa bansa noong 2014 kaya enjoy siya sa kaniyang pagbabalik.

Very thankful din ang singer dahil nag-platinum sa Pilipinas ang kanyang huling album.

Kasama raw sa plano ni Jessie J ang maglibot sa magagandang beaches sa bansa bago siya umalis.

Sa tulong naman ng isang kasama, masayang nagbigay ng mensahe si Jessie J sa wikang Filipino habang naka-"pabebe" wave, "Mga Kapuso, magmahalan tayo ngayong Pasko." -- FRJ, GMA News

Tags: jessiej