'Starstruck' Final 4 na susunod na idol ng bayan, napili na
Alamin kung sino kina Klea Pineda, Elyson de Dios, Jay Arcilla, Arra San Agustin, Ayra Mariano at Migo Adecer ang nakapasok sa Final 4 ng Starstruck, at magiging susunod na idol ng bayan.
Sa isinagawang double-elimination nitong Biyernes, unang tinawag nina "Starstruck" hosts Dingdong Dantes at Megan Young, ang pangalan nina Klea at Elyson na kasama sa Final 4.
Congratulations sa Final 4! @MarianoAyra @kleapineda @ElysonDeDios @migo_adecer made it! #StarStruckTheFinal4Live pic.twitter.com/KucqWLDQa1
— GMA Network (@gmanetwork) December 11, 2015Sumunod naman sina Ayra at Migo para kumpletuhin ang Final 4 na maglalaban-laban sa titulong Ultimate Survivors.
Dahil dito, idineklarang nagwakas na ang journey nina Arra at Jay.
.@kleapineda and @ElysonDeDios make it to the Final 4! Sino pa ang tatawagin? #StarStruckTheFinal4Live pic.twitter.com/1oTBRvBkzt
— GMA Network (@gmanetwork) December 11, 2015Ayon kay "Starstruck" judge Regine Velasquez, mukha na talagang mga artista ang Final 4.
Payo naman si Joey de Leon, dapat mag-isip na ang Final 4 kung gagamit sila ng screen name.
Habang pinayuhan naman ni Jennylyn Mercado ang grupo na panindigan ang kanilang pagkakasama sa Final 4 at lalo pang galingan.
Maglalaban sa huling linggo ang Final 4 at malalaman ang kung sino ang idedeklarang Ultimate Survivors sa susunod na Sabado, December 19. -- FRJ, GMA News