LOOK: Alden at Maine, cover ng PeopleAsia Magazine
Ang phenomenal lover team ng 2015 na sina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza ang napiling cover ng Stargate PeopleAsia Magazine para sa "People's Choice Awardees" ngayong taon.
"The Prince and Princess of noontime TV take their rightful place on the cover of PeopleAsia's 16th Anniversary Issue, as the magazine's "People's Choice Awardees," saad sa Instagram post ng nabanggit na babasahin na mabibili simula sa Linggo.
Noong 2013, ang Kapuso at dating Miss World na si Megan Young ang naging cover photo ng magazine, habang mga prominenteng personalidad naman ang cover noong 2014 na kinabibilangan nina Pope Francis, Lea Salonga, Susan Roces at marami pang iba.
Sa nabanggit na Instagram post, nakasaad na ang cover photo nina Alden at Maine ay kuha ng batikang photographer na si Raymund Isaac.
Si Alden, nagpasalamat naman sa pagkakapili sa kanila ng babasahin.
@aldenrichards02 for People Asia magazine! Cograts alden and maine! ©PeopleAsia Magazine #ALDUBWhereToGo pic.twitter.com/IxMIYanPgU
— AlDubForTheBigBoyz™ (@AlDubBigBoyz) December 12, 2015
-- FRJ, GMA News