Maine dedicates bible passage to Alden on 5th monthsary
Magkasamang ipinagdiwang ni Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza at Pambansang Bae Alden Richards ang 5th monthsary ng AlDub ngayong Miyerkules sa Broadway Centrum kasama ang mga Dabarkads at ang AlDub Nation.
Bukod sa kanilang madalas na lambingan at biruan, nagkaroon din ng pagkakataon ang dalawa na makapaghatid ng mensahe sa isa't isa.
“Alden, thank you sa lahat ng ginawa mo para sa Kalyeserye. Thankful talaga ako na dumating ka sa life ko. Kahit kailan hindi ko kakalimutan at ichecherish ko buong buhay ko,” ayon kay Maine a.k.a. Yaya Dub.
Emosyonal na sagot naman ni Alden, “Ang tagal ko na sa industriya, ang dami kong naging challenges. Pero naniniwala talaga ako na kapag madasalin ka, lahat ng magandang bagay ay ibibigay sa'yo ng Diyos. Thankful ako na naging part ako ng Eat Bulaga. Thankful ako na dumating ka sa buhay ko. Naging malaking blessing ka sa akin at sa maraming tao.”
“Sana marami pang monthsary ang dumating sa atin. Hindi naman tayo magtatagal kung hindi tayo matatag at kung hindi rin dahil sa Aldub Nation,” dagdag pa ng Kapuso heartthrob.
Tila hindi pa natapos dito ang mga nais iparating ni Maine sa kaniyang ka-loveteam dahil ilang sandali lamang matapos ang “Eat Bulaga,” nag-post siya ng larawan nila ni Alden sa Instagram kaakibat ng caption na “Philippians 1:3 #ALDUB5thMonthsary”
Nakasaad sa nasabing Bible chapter at verse ang mga katagang: "I thank my God in all my remembrance of you."
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News