Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Maine Mendoza re-enacts first audition for Eat Bulaga


Magkasama sina Alden at Yaya Dub na magdiwang ng kanilang 5th monthsary ngayong Miyerkules sa Broadway Centrum kasama ang mga Dabarkads at ang AlDub Nation.

Habang nage-enjoy ang mga lola sa spa services na sorpresa sa kanila ni Alden, nagpapasaya at nagpapakilig naman ng studio audience ang AlDub.

Bukod sa kanilang walang tigil na lambingan, biruan, at yakapan, nag-dance showdown din ang dalawa at binalikan pa ang kanilang waltz dance na una nilang ginawa sa “Tamang Panahon” noong nakaraang Oktubre.

 

 

Binalikan rin ni Alden ang ilan sa mga pinakamahahalagang bahagi ng Kalyeserye, tulad na lamang ng unang pagkikita nila sa splitscreen noong July 16.

Gayunpaman, ayon sa Pambansang Bae, pinakamahalagang araw para sa kaniya ang June 19, o ang araw na nag-audition si Maine sa Eat Bulaga upang maging si Yaya Dub.

Aniya, hindi mangyayari ang lahat ngayon kung hindi dahil sa nasabing audition.

Naging emosyonal naman ang dalaga nang alalahanin kung paano nagsimula ang kaniyang showbiz career sa mismong stage na kinatatayuan niya.

Sa huli, pinagbigyan niya rin si Alden at ang audience nang mag-request ito na ulitin niya ang kaniyang audition piece.

 

 

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News